- Asahan Mo
Wag kang mag-alala sa kabiguan ay di ka nag-iisa
Meron kang kapareho na maaari mong makapareha
Kaparehong mag-isip ginagawang laro ang pag-ibig
Nandyan lang siya sa sulok o baka sa gilid-gilid
Alisin na ang lungkot at 'wag na 'wag nang magmukmok
Oras na para ika'y lumigaya nasa isip lang ang takot
Huwag panghinaan ng loob eh ano kung ika'y mahuhulog
May sasalo sayo asahan mo
- Ayos Lang
Nais kong matulog ngunit di maka-tulog
Sa pag-iisip ang utak ko'y nabubugbog
Pahamak na pag-ibig to ako'y gulong-gulo
Tumatakbo ang oras ngunit gising pa rin ako
Nais kong mag-sound trip ngunit brown out nga pala
Bwisit na ilaw to dumagdag pa sa problema
Kung hindi lang dahil sa kanya ngayon ay masaya
Minsan lamang akong ma-in love wala pang pag-asa
- Hardin
Nagpapatangay sa daan inuulan
Para masapawan lang ang kalungkutan
At nanghihiram ng tawa nagpapadala
Sa konting minuto na pinagkakasya
Narating mo na rin ba ito kung saan langit na sa iyo
Ang tinatawag kong paraiso ang sarili kong mundo
Ang kalayaan ko
Sa munti kong hardin makikita ang nais gawin
- Hiwaga
Mag-isang naglalakad isipan ay lumilipad
Iba't ibang klase ng tao ang nasasalubong ko
At mag-isang tumatawa sa kalokohang naaalala
At laging nakabuntot ang hiwagang bumabalot
Kung sakaling makita mo pwede bang tapikin mo ko
At kung sakaling matauhan pwede mo ba akong samahan
At pwede mong baguhin ang tinatakbo ng kuwento ng buhay ko
Mag-isang nangangarap nababalutan na ng ulap
- Iniwan Mo Akong Nag-Iisa
Nasaan ka na ngayon
Ako'y palingon-lingon
Di ko maintindihan
Kung bakit nagkaganon
Iniwan mo akong nag-iisa
Wala akong matanaw
Kahit isang langaw
Wala akong makausap
- Kung
Kung ano man ang nakikita mo
At ganun din ang natatanaw ko
Iisa lng kaya wala nang pagtatalunan
Bulag lang ang dapat nating paliwanagan ah
Kung ano man ang iyong narinig
At ito rin ang nasagap kong tinig
Pareho lang kaya wala nang pag-uusapan
Bingi lang ang dapat nating pagsasabihan
- Mauna Na Sila
Para bang nanaginip lang para kong dinu-duyan duyan
Di maawat ang mga tawa sa isang planetang kay ganda
Meron pa kayang mararating mukhang wala naring mahihiling
Oh ingat lang baka ka mahulog di uso dito ang ulam at busog
Kung alam mo na ang lahat ng mga bagay saan pa pupunta
Sabihin mo kung di na ba ako nakakasabay mauna na sila
Mga tagpo na tiyak mo mamimiss mga tirada na walang mintis
Maaaliw ka sa mundong ito eksenang nakakapanibago
- Sandale
Matatawag mo bang adobo kung wala ang toyo
Matatawag mo bang masarap kung laging ulam ay tuyo
Matatawag mo pa kaya ako (matatawag mo pa kaya ako)
Kung may ibang hinihintay diyan sa tabi mo
Maiisip mo bang may birthday kung walang kalendaryo
Maiisip mo bang exam mo kung di mo sinasaulo
Maiisip mo ba kaya ako (maiisip mo ba kaya ako)
Kung may ibang gumugulo diyan sa utak mo